Nadagdagan pa at nakarekober ang Philippine Coast Guard (PCG) ng tatlo pang bagong mga labi ng ilan sa mga pasaherong lulan ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan dahilan para umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa insidente.
Ayon sa pahayag ng PCG, isa sa mga bangkay ang namataang palutang-lutang sa katubigang malapit sa Baluk-Baluk Island pasado 10:05am ngayong umaga habang pagsapit naman ng 10:28am dalawang bangkay pa ang nakluha sa Mataja Island, sa Basilan.
Matapos nito, sa naging pakikipagugnayan na rin ng PCG sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nagtungo ang BRP Capones sa Mataja Island para sa identification at proper disposition ng mga labi.
Samantala, nagpapatuloy naman ang search and retrieval operations para sa mga pasaherong hindi pa rin nahahanap sa ngayon ng mga otoridad.
















