-- Advertisements --

Inireklamo ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa National Bureau of Investigation (NBI) ang umanoy pagbabanta sa buhay nito sa pamamagitan ng social media post.

Ayon kay Castro, na may kinalaman ito sa social media post ng Facebook page na Luminous by Trixie Cruz-Angeles at Amet Paglinawan na naglalaman ng pananakit ng pisikal at seryosong banta sa kaniyang buhay.

Dagdag pa nito na mahalaga na ipatala ito sa NBI ang nasabing pagbabanta dahil sa baka may masamang mangyari sa kaniya.

Personal niyang kilala si Cruz-Angeles pero hindi si Paglinawan kung saan ang FB page ay nagdadala ng parehas nilang pangalan.

Inamin ni Castro na natakot siya dahil hindi siya sanay na mayroong banta sa kaniyang buhay.

Giit nito na ang malayang pamamahayag ay hindi dapat may kaakibat na pagbabanta.

Sa ngayon ay pinag-aaralan niya kung pormal itong magsampa ng kaso.