-- Advertisements --

Inakusahan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pasimuno ng isang scheme upang magpadala ng mga testigo sa International Criminal Court (ICC).

Sa opening statement ni Nicholas Kaufman, legal counsel ni Duterte, sa confirmation of charges hearing nitong Lunes, ibinunyag nito ang isang transcript ng tawag sa telepono.
Dito, isang hindi pinangalanang indibidwal umano ang kumokontrol sa mga testigo.

Kasalukuyang hinihintay ang tugon ng Malacañang hinggil sa nasabing akusasyon.

Nahaharap si Duterte sa tatlong bilang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang madugong anti-narcotics campaign.
Ayon sa tala ng pamahalaan, nasa 6,200 ang nasawi sa operasyon, ngunit aabot sa 30,000 ang pagtataya ng mga human rights organizations.

Itinakda ang mga susunod na pagdinig sa Pebrero 24, 26, at 27.