-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea si DPWH-Bulacan 1st District official Brice Hernandez, kasama ang anim pang akusado, sa Sandiganbayan Fourth Division kaugnay ng kasong graft na kinasasangkutan din ng fugitive na dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.

Kasama ni Hernandez sa naghain ng not guilty plea ang mga tinanggal sa puwesto sa Department of Public Works and Highways na sina Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Niño Lawrence Morales, Juanito Mendoza, Floralyn Simbulan, at Christina Mae Pineda.

Iniuugnay ang mga akusado sa umano’y maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga ng P77 milyon sa Balagtas, Bulacan.

Samantala, binigyan naman ng korte ng sampung araw ang apat na opisyal upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat suspendihin.

Bukod sa kasong graft, may iba pang kasong kinakaharap ang mga akusado sa iba pang dibisyon ng Sandiganbayan.