-- Advertisements --

Nagpasok ng mosyon ang National Bureau of Investigation upang magdagdag ng panibagong mga ebidensya pati respondents sa reklamong plunder na isinampa kay Sen. Jinggoy Estrada.

Ayon mismo kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ito’y kasunod ng ‘motion to submit additional evidence and respondents’ sa panig ng ‘complainant’ o ng kawanihan.

Sa naganap na preliminary investigation hinggil sa plunder case, ibinahagi ng tagapagsalita na hindi nagsumite si Sen. Jinggoy Estrada ng kanyang kontra-salaysay.

Habang intasan naman ng prosekusyon ang NBI na bigyan ng kopya ang mga respondents ng kanilang isasamang mga karagdagang ebidensya sa reklamo.

Binigyan sila ng ilang araw lamang hanggang sa ika-26 ng Pebrero, sa kasalukuyang taon 2026.

Kaya naman sa oras na mabigyan na ng kopya ang mga respondents, pagtitiyak ng Department of Justice na sila’y mayroong panahon at pagkakataon upang ito’y sagutin.

Ani Justice Spokesperson Martinez, ang mga respondents ay maaring magsumite ng kanilang mga kontra-salaysay ng hindi lalagpas sa itinakdang araw na ika-9 sa buwan ng Marso.

Ang nabanggit na petsa ay ang susunod na isasagawang preliminary investigation kaugnay sa reklamong kinakaharap ng senador kasama pati ilang mga dating opisyal.

Bukod kay Senador Jinggoy Estrada, kapwa niya respondents maging sina former Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, former Public Works officials Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, Henry Alcantara, at John/Jane Does.

Maging ang namayapang si former Public Works Usec. Catalina Cabral ay kabilang rin sa mga sinampahan ng Nationaal Bureau of Investigation-Department of Justice Bid-Rigging Task Force.

Partikular na kanilang kinakaharap ang mga reklamong plunder, paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Receiving Gifts by Public Officers at Corruption of Public Officers.

Kaugnay nito, tumanggng ibahagi naman ni Justice Spoesperson Martinez ang mga idinagdag ng kawanihan na mga pangalan bilang panibagong respondents sa reklamo.

Paliwanag kasi ng tagapagsalita na hindi maaring isapubliko agad ito sapagkat hindi pa naisisilbi ang ‘subpoena’ sa mga idinagdag na respondents.

Gayunpaman, dagdag niya’y dapat dumalo o magpakita ng personal ang mga ito sa prosekusyon upang manumpa sa kanilang pagharap sa susunod na pagdinig sa Marso.