-- Advertisements --

Ipinahayag ni Executive Secretary Ralph G. Recto ang kanyang buong kumpiyansa na tutuparin ni Atty. Melvin Matibag ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang bagong Director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Recto, dala ni Matibag ang malawak na karanasan sa mga mahahalagang posisyon sa gobyerno at ang malalim na paggalang sa batas, isang mahalagang katangian ng NBI bilang pangunahing ahensya sa paglaban sa krimen.

Ipinaabot din ni Recto ang pasasalamat kay outgoing Director Lito Magno sa kanyang tapat at marangal na paglilingkod. 

Samantala, inatasan ng Pangulo si Matibag na higit pang palakasin ang NBI upang epektibong masugpo ang krimen, makamit ang hustisya, mapanatili ang kapayapaan, at mapangalagaan ang pambansang interes.

Kahapon pormal ng nanumpa si Matibag.

Pinalitan ni Matibag si NBI acting director Angelito Magno.