-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng American socialite na si Jordyn Woods na engaged nito sa nobyong NBA player na si Karl-Anthony Towns.
Sa social media account ng reality show star, ay makikitang isinagawa ni Towns ang proposal sa New York isang araw pagkatapos ng Pasko.
Nagbahagi rin ng ilang larawan sa kaniyang social media account ang New York Knicks player.
Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 2020 kung saan naging magkaibigan muna sila at kapwa naging masama ang karanasan nila sa pagdaan ng COVID-19 pandemic.
Sa pandemic kasi ay pumanaw ang ina ni Towns habang namatay din ang ama ni Woods.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga kaibigan at kapwa celebrites ng dalawa matapos na mabalitaan ang magandang balita.
















