Natukoy na ng mga otoridad ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kinumpirma ito ni Anti-Cybercrime Group (ACG) director Brig. Gen. Wilson Asueta kung saan kanila na itong inimbestigahan.
Hindi muna nagbigay pa ng ibang impormasyon si Asueta dahil sa may ilang mga kailangan pang ebidensya.
Una ng sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr na kaniyang pinapaimbestigahan ang nasabing pagpapakalat ng pekeng medical bulletin dahil isa itong uri ng pambabastos, insensitive at paglabag sa batas.
Magugunitang itinanggi ng St. Lukes Medical Center na naglabas sila ng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos matapos na ito ay nagpa-check up noong nakaraang linggo.
















