Nanawagan ang bagong tatag na transport group na Kilos Konsumer-Komyuter (KyumterPH) sa mga political leader na itigil muna ang alitan at ituon ang pansin sa pagpapabuti ng pampublikong transportasyon, lalo na sa mga ruta papasok at palabas ng Metro Manila.
Ayon kay Isagani Bogabel, spokesperson ng KyumterPH, maraming oras at resources ang nasasayang sa politika sa halip na ayusin ang sistema ng transportasyon, na patuloy nagpapahirap sa milyun-milyong commuters.
Binanggit ng KyumterPH ang pang-araw-araw na hirap ng commuters, mula maagang paggising hanggang sa pag-uwi ng pagod at huli dahil sa trapiko, na nagdudulot ng P3.5 bilyong pagkalugi sa ekonomiya kada araw.
Nanawagan rin ang grupo sa agarang implementasyon ng Public Transportation Modernization Program, dagdag na yunit ng sasakyan, suporta sa drivers at operators, at mas mahigpit na kampanya laban sa colorum vehicles upang mapagaan ang pasanin ng mga commuters. (report by Bombo Jai)















