-- Advertisements --

Umapela angDepartment of Transportation (DOTr) ng dagdag na pondo para magpatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga operators ng pampasaherong sasakyan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, na mahalaga na maaprubahan ng Kongreso ang kanilang P5-bilyon na budget proposal para sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Napapanahon ang fuel subsidy dahil sa hindi tumitigil ang pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa mundo.

Magugunitang isinagawa ng Department of Transportation ang pamamahagi ng fuel subsidy bilang tulong sa mga transport group na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong langis bansa.