Naghain ang kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ng mosyon para suspendihin ang proceedings sa mga kaso nito.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Polo Martinez, na inihain ng abogado nito sa San Pablo regional trial court (RTC).
May kinalaman ito sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention na may kaugnayan sa nawawalang sabungero.
Dahil dito ay ipinagpaliban ng korte ang pagpapalabas ng warrant of arrest kay Ang matapos ang paghahain ng mosyon.
Sa mga korte kung saan nahaharap ng kaso si Ang gaya sa Sta.Cruz, Laguna; Lipa , Batangas at San Pablo , Laguna City ay tanging ang Sta. Cruz RTC Branch 26 at Lipa RTC Branch 13 ang naglabas ng warrant of arrest kay Ang.
Sinabi naman ni Prosecutor General Richard Fadullon na hiniling ng korte sa DOJ na magsumite ng mga dokumento ukol sa kaso kabilang counter-affidavits ng mga respondents.
Tiniyak naman na sila ay tutugon at magco-comply sa hiling ng korte para matukoy sa pagpapalabas ng warrant of arrest.
Dagdag pa ni Fadullon na kung ano ang hakbang ng korte ay siya rin ang gagawin ng DOJ.
Kinumpirma naman ni Martinez na nagsimula na ang pagdinig sa kaso ni Ang sa mga korte ng Lipa at Sta. Cruz.
Magugunitang inanunsiyo ni Interior Secretary Jonvic Remulla na magpapataw sila ng P10-milyon reward para sa pag-aresto kay Ang.
















