-- Advertisements --
Patay ang talong katao habang isa ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa Lake Cargelligo sa New South Wales, Australia.
Mabilis naman na tumakas ang suspek matapos ang ang nasabing pamamaril.
Ayon sa mga otoridad, nakita nilang patay ang isang lalaki at babae sa kanilang sasakyan habang ang pangalawang pamamaril ay ikinasawi ng isang babae.
Dinala naman sa pagamutan ang isang lalaki matapos na ito ay nagtamo ng tama ng bala sa katawan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.
















