-- Advertisements --

Patuloy na Inaalam ng mga otoridad sa Michigan ang motibo ng suspek matapos na tinangkang araruhin ang Temple Israel synagogue.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na agad na nakita ng mga security guards na nakatalaga sa lugar kaya pinagbabaril nila ang suspek hanggang ito ay kanilang mapatay.

Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing lugar kung saan nakarekober pa ang mga otoridad ng ilang pampasabog sa loob ng kotse ng suspek.

Mabilis naman na inilikas ng mga otoridad ang mga mag-aaral dahil sa insidente.

Nagpakalat na ang mga otoridad ng kanilang tauhan sa lugar kung saan inaalam nila ang motibo sa nasabing insidente.