Dapat nang seryosohin ang posibleng negatibong epekto ng El Niño, lalo’t inaasahang lalakas pa ang kasalukuyang kondisyon hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ito ang binigyang-diin ni PAGASA Visayas weather specialist Jhomer Eclarino sa pagtatanong ng Star FM Cebu.
Ayon kay Eclarino, opisyal nang Strong El Niño ang nararanasan ngayong Setyembre matapos umabot sa 2.1 degrees Celsius ang sea surface temperature anomaly sa Pacific Ocean.
Inaasahan naman itong maging Very Strong El Niño bago matapos ang taon at maaaring magpatuloy ang epekto hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Paglilinaw pa nito na hindi nangangahugang tuluyan nang mawawala ang ulan sa panahon ng El Niño.
Sa katunayan aniya, nakapagtala ang ahensya ng 89 percent rainfall reduction sa Central Visayas noong Agosto, habang 52 percent reduction naman sa buwan ng Setyembre.
Gayunman, dahil sa inaasahang pagtaas ng temperatura at patuloy na pagbaba ng ulan, hinikayat ang publiko at mga kinauukulang ahensya na gamitin ang mga aral at karanasan mula sa mga nakaraang El Niño at maging handa sa posibleng epekto nito.















