-- Advertisements --

Isinuspinde ng United States ang mga consular service sa Brazil habang isinara naman ng Australia ang embahada nito roon dalawang araw bago ang presidential election dahil sa mga alalahanin sa seguridad.

Ayon sa federal police ng Brazil, nagsagawa sila ng mga preventive search and seizure warrant kaugnay ng natanggap na banta laban sa mga diplomatikong pasilidad ng US, ngunit wala silang natagpuang ebidensya o suspek na magpapatunay dito.

Nangyari ang pagsasara habang nagtatapat sa halalan sina incumbent President Luiz Inacio Lula da Silva at Senator Flavio Bolsonaro, anak ni dating Pangulong Jair Bolsonaro na nakakulong ngayon dahil sa attempted coup.

Tinawag ng mga alyado ni Lula na isang uri ng foreign interference o pakikialam ng US sa pampublikong opinyon at halalan sa Brazil ang biglaang pagsasara ng mga pasilidad.

Samantala, pampublikong pinuri ni US President Donald Trump ang kanyang malapit na alyado na si Flavio Bolsonaro at sinabing masusi niyang sinusubaybayan ang naturang halalan.