-- Advertisements --

Pinabulaanan ng St. Luke’s Medical Center ang dokumento na umano’y naglalaman ng medical test result ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon sa pagamutan, peke ang naturang dokumento at sila ay tumatalima sa data privacy at confidentiality ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pasyente.

Anumang medical result o medical documents na lumalabas online na hindi mula mismo sa naturang pagamutan ay itinuturing bilang ‘unauthorized’, peke, o pineke.

Ang pag-share ng sinuman sa medical information ng kahit sinong pasyente nang walang consent, ay isang malinaw na paglabag sa data privacy at sa hospital policy na magigpit umanong ipinapatupad ng naturang pagamutan.

Una nang kinumpirma ng Palasyo Malakaniyang na dinala ang pangulo sa isang pribadong pagamutan sa Quezon City dahil sa pananakit ng kaniyang tiyan.

Pinaalalahanan naman ng hospital management ang publiko na maging maingat at responsable sa kanilang mga binabasa at ibinabahagi online dahil maaari itong makapagbigay ng kalituhan sa iba