Bukas sa publiko ang magiging confirmation of charges hearing ni dating Pang. Rodrigo Duterte na nakatakda sa Pebrero-23, 2025, limang buwan mula noong maudlot ang orihinal na September-23, 2025 hearing.
Batay sa abisong inilabas ng ICC, para sa sinuman na nagnanais makapanood sa hearing, susundin ang ‘first come, first served’ basis, dahil limitado lamang ang papapasukin sa loob ng public gallery.
Dapat ding makakarating ang mga manonood sa korte, isang oras bago ang nakatakdang pagsisimula ng hearing.
Para sa mga miyembro ng diplomatic corps at civil society organizations, kailangang mag-request ang mga ito ng attendance bago mag-Pebrero 16, 2026. Kailangang magpakita ang mga ito ng valid passport o valid ID sa main entrance ng korte.
Para sa mga journalist na nagnanais mag-cover sa hearing, kailangan ding mag-request ang mga ito sa Public Affairs Unit ng ICC bago mag-Pebrero 16. Kinakailangan ding makapagpakita ang mga ito ng valid press card, passport, o ID na may picture.
Ipagbabawal naman sa publiko ang pangunguha ng larawan at video sa loob ng court building, maliban lamang sa mga miyembro ng media.
Pinaalalahanan din ang publiko na obserbahan ang akmang decurom sa loob ng korte.
Magkakaroon din ng livestreaming sa naturang hearing ngunit madedelay lamang ng 30 mins, tulad ng mga nauna nang hearing sa international tribunal.
Ayon sa ICC, nakatakda ang pagdinig sa Pebrero 23, 24, 26, at 27 sa Courtroom 1 ng international tribunal.
Dito ay magkakaroon ng oral submissions ang Prosecution, Defence at ang Legal Representatives of Victims, upang ipresenta ang kani-kanilang mga argumento.















