-- Advertisements --

Inaasahang ipagpapatuloy ang mga pagdinig sa confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon kesa sa mga nagdaang kaso sa korte, ayon kay ICC deputy prosecutor Mame Mandiaye Niang.

Sa kaniyang filing na may petsang Setyembre 29, sinabi ng ICC Prosecutor na inaasahang itutuloy ito sa mga susunod na buwan kahit pa ipinagpaliban ng ICC Pre-Trial Chamber I ang confirmation of charges hearing ng dating Pangulo noong Setyembre 23.

Ilan sa mga dahilan na tinukoy ng ICC Prosecutor para sa inaasahang pagpapatuloy ng mga pagdinig ay redacted o hindi isinama sa public version ng kaniyang filing.

Bagamat binanggit ng ICC Deputy Prosecutor ang dalawang kaso kung saan inabot ng isang taon ang confirmation of charges hearing mula nang unang pagharap ng mga suspek sa korte.

Ang tugon na ito ng ICC Prosecutor ay kasunod ng paggiit ng depensa na dapat na payagan ang interim release ng dating Pangulo habang nagpapatuloy ang mga paglilitis sa kaniyang medical condition kung fit nga ba siyang humarap sa trial.