-- Advertisements --

Nanindigan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pinagsisisihan sa lahat ng kaniyang mga ginawa bilang pangulo ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Veronica ”Kitty” Duterte sa isang panayam na sa huling pagbisita niya sa kaniyang ama na naka-detene sa International Criminal Court (ICC) Detention Center ay sinabi ng dating pangulo na ginawa niya ang lahat ng makakaya para mapagbuti ang bansa.

Sa kabila ng tuluyang pagsasampa ng kaso laban sa kaniya sa ICC, hinding-hindi aniya ito hihingi ng patawad at hindi ring nagsisisi sa mga ginawang aksyon.

Samantala, nasa maayos naman umanong kondisyon ang dating pangulo.

Ayon pa rin sa dating presidential daughter, masaya si FPRRD hangga’t nakikita niyang maayos ang kalagayan ng kaniyang buong pamilya sa kabila ng kaniyang pagkakadetene.

Natutuwa din aniya ang dating pangulo sa kaniyang (Kitty) na patuloy na pagbisita dahil mistulang nagbibigay ito sa kaniya ng maikling sulyap sa kaniyang bahay.