-- Advertisements --

Pormal na inilunsad ng senado ang electric vehicle (EV) charging station sa loob ng senate compound kahapon, Lunes, Enero 26, bilang bahagi ng kampanya sa paggamit ng malinis na enerhiya. 

Isinabay ang paglulunsad sa paggunita ng International Day of Clean energy at bilang bahagi na rin ng pasgsuporta ng institusyon sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11697 o Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) na naglalayong palawakin ang paggamit ng electric vehicle sa bansa. 

Solar-powered ang EV station na mayroong dalawang 7-kilowatt charger na libreng magagamit ng mga sendor, opsiyal at mga empleyado ng senado hanggang 5 oras. 

Sa pamamagitan ng solar-powered charging station, inaasahang mababawasan ang kosumo ng kuryente mula sa fossil fuel at ang carbon footprint ng senado.