Naniniwala si International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Kristina Conti na hindi maaapektuhan ng diskwalipikasyon ni Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon ng Office of the Prosecutor sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahapon (Oct. 14) ay lumabas ang opisyal na report ng ICC na diniskwalipika ng mga judge ang chief prosecutor sa paghawak sa kaso ng dating pangulo dahil sa umano’y conflict of interest nito.
Sa kabila nito, naniniwala si Conti na hindi ito magdudulot ng ‘significant interruption’ sa imbestigasyon ng Office of the Prosecutor.
Aniya, ang pag-uusig sa kaso ng dating pangulo ay matatag na nagampanan ng Philippine team sa pangunguna ni deputy prosecutor Mame Mandiaye mula pa noong boluntaryong nag-leave si Khan, Mayo 2025.
Hindi rin kumbisido si Conti na may sapat na basehan upang i-disqualify ang batikang prosecutor para hawakan sana ang kaso ni Duterte.
Bukas aniya ang impormasyon ukol sa pagtulong si Khan sa grupo ng mga biktima ng drug war, tulad ng pagpapadala ng ‘communication’ sa Office of the Prosecutor bago siya naitalaga sa naturang opisina.
Giit ni Conti, hindi ito magdudulot ng anumang conflict of interest sa pagitan ng OTP at ng kampo ng mga biktima.
Unang hiniling ng defense panel ang tuluyang pag-diskwalipika kay Khan ilang lingo matapos maaresto ang dating Pangulo.
Agad ding hiniling ni Khan na maibasura ang request ng defense team at iginiit na walang conflict of interest sa paghawak niya sa naturang