-- Advertisements --

Ginawa ng Instagram official ni Katy Perry ang relasyon nila ni dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang singer ng larawan nila habang sila ay nasa Japan.

Maraming fans ng singer ang nag-komento sa mga masasayang larawan ng dalawa.

Magugunitang walang nagkumpira sa kanilang dalawa na sila ay magkarelasyon subalit marami ang nagsabi na nagkakamabutihan na ang dalawa dahil sa madalas silang makitang magkasama.

Dumadalo rin ang dating Prime Minister sa mga konsiyerto ng singer.