Nakatutok ngayon ang pamahalaan ng Japan sa lumalalang sitwasyon sa Middle East ito’y matapos ang serye ng missles attack ng U.S. at Israel laban sa Iran.
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs of Japan (MOFA) na nakasubaybay sila sa posibleng maging epekto ng sigalot sa middle sa pandaigdigang merkado ng enerhiya at seguridad ng Japanese sa ibang bansa.
Dahil dito agad na nagtatag ng response headquarters si Foreign Minister Toshimitsu Motegi sa loob ng MOFA kasunod ng pag-umpisa ng mga hostilities.
“The situation in the Middle East has a significant impact on Japan, including from the perspective of energy security. Considering our national interests, the Government of Japan is closely monitoring the developments with great concern,” ayon sa pahayag ng MOFA.
Batay sa utos ni Japan Prime Minister Sanae Takaichi, ang pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa mga kaugnay na bansa at ahensya upang mangalap ng impormasyon.
Nangako rin ang Japan na gagawin nito ang lahat ng posibleng hakbang upang tiyakin ang proteksyon ng mga mamayan ng Japan.
Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ng Japan na nakahanda sila
sa anumang panganib dulot ng mga pag-atake, na nakatuon sa pag-protekta ng mga Hapon at pagpigil sa mas malawakang epekto sa ekonomiya at seguridad ng naturang sigalot.
















