-- Advertisements --

Magpapatupad ng pagbabago ang organizers ng Miss International pageant.

Ayon kay Miss International Executive Director Stephen Diaz na isa na dito ang paglimita sa maletang dala ng mga beauty queens.

Nakikita niya kasi na tuwing mayroong mga dadaluhan na pageant ang ilang beauty queen ay marami silang bitbit na mga maleta.

Dahil dito ay hihigpitan na lamang nila at gagawin na lamang itong apat.

Dagdag pa nito na nagpasya sila ukol sa nasabing paglimita ng dadalhing mga malalaking maleta.

Maraming delegates ang nagpasalamat sa kanila dahil sa nabawasan ang kanilang mga binibitbit na mga dalahing gamit.

Gaganapin ang 64th Miss International pageant Final Gala sa Kanadevia Hall sa Tokyo ngayong Nobyembre 25.

Mayroong 73 na mga delegado ang magkakatunggali para makuha ang korona kung saan noong nakaraang taon ay napagwagian ni Catalina Duque ng Colombia.