-- Advertisements --

Kinoronahan bilang Miss International 2026 si Elizaveta Kuznetsova ng Moldova.

Tinalo nito ang 72 na ibang mga kandidata sa coronation night na ginanap sa Kanadevia Hall sa Tokyo, Japan.

Papalitan nito si Catalina Duque ng Colombia na nakakuha ng korona noong nakaraang taon.

Hindi na bago sa pagsali sa mga pageant si Kuznetsova dahil sumali na rin ito sa 2025 Miss Earth na ginanap sa Pilpinas kung saan nagtapos siya sa Top 25.

Tinanghal naman bilang first runner-up si Brittany Feeney ng United Kingdom habang si Laura Anna Glozarova ng Czech Republic ay nagtapos bilang second runner-up.

Nagtapos naman bilang fourth runner-up si Victoria Kosasieputri ng Indonesia habang fifth runner-up si Phuong Khanh Nu Le ng Vietnam.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Katrina Johnson ay nagtapsos ng Top 20.

Ang bagong koronang Miss International ay ipagpapatuloy ang trabaho sa promosyon nito ng Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations.