-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup 2026 ang Philippine women’s national football team o Filipinas.

Ito ay matapos na talunin ng Japan ang Vietnam 4-0 sa final Group C match na ginanap Vietnam.

Dahil dito ay nagtapos ang Filipinas bilang second-best third place team.

Natapos sila sa Group A ng mayroong isang panalo at dalawang talo na mayroong minus-2-goal differences.

Nakapasok din ang Uzbekistan sa third-placer sa GroupB na mayroong minus two goal differences.

Makakaharap ng Filipinas ang Japan sa darating na Marso 15 na gaganapin sa Sydney.