Magkakabisa sa Oktubre 26 ang dagdag-sahod na hanggang Php 45 kada araw para sa mga minimum wage earner sa CALABARZON.
Katumbas ito ng hanggang Php 1,170 na dagdag sa buwanang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.
Batay sa Wage Order No. IVA-23, magkakaiba ang magiging taas ng sahod depende sa sektor ng trabaho at kategorya ng munisipalidad.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), mahigit 1.56 milyong minimum wage earner sa CALABARZON ang makikinabang sa bagong wage adjustment.
Inaprubahan ang dagdag-sahod sa pamamagitan ng tripartite mechanism na kinabibilangan ng mga kinatawan ng manggagawa, employer at pamahalaan, matapos suriin ang kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya ng rehiyon.
Tiniyak naman ni Labor Secretary Francis Tolentino na mahigpit na babantayan ng DOLE Regional Office 4A ang pagpapatupad ng bagong wage order upang matiyak na susunod dito ang mga establisimyento.















