-- Advertisements --
Engaged na si beauty queen Alyssa Muhlach sa longtime na nobyo nitong si Chris Young.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang mga larawan ng engagement party.
Ginanap ito nitong Marso 8 sa Concept Space, Manila.
Taong 2016 ng magsimula ang kanilangrelasyon kung saan naging bahagi siya sa podcast ng nobyo.
Ang beauty queen ay anak ng aktres na si Almira Muhlach mula sa basketbolistang si Paul Alvarez.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaanak at mga kaibigan ng dalawa matapos na mabalitaan ang engagement nila.
















