-- Advertisements --
Hindi pa rin makapaniwala ang Pinoy super group na SB19 sa kanilang kauna-unahang pagtatanghal sa Lollapalooza 2026 sa US.
Sila lamang kasi ang unang Filipino na makapagtanghal sa sikat at pinakamalaking music festival sa US.
Ipinamalas ng grupo na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin sa harap ng ilang libong manonood ang kanliang mga hitsongs.
Sa kanilang social media ay labis silang nagpapasalamat sa suporta kung saan hindi aniya lamang ito para sa kanila at sa halip ay para lahat.
Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa kanilang mga fans at ibang mga opisyal ng bansa dahil sa kakaibang performance nila sa nasabing music festival.
















