-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng aktres na si Yassi Pressman na ito ay engaged na sa nobyong si Camarines Sur Secon District Representative Luigi Villafuerte.

Sa kanilang mga personal social media account ay ibinahagi ng dalawa ang ilang larawan ng engagment.

Sa isang outdoor setting isinagawa ni Villafuerte ang pag-alok ng kasal sa nobya.

Mahigit tatlong taon ang relasyon ng dalawa at mabilis naman na binati sila ng kanilang mga kaibigan sa showbiz.