Ipinapaubaya na lamang ni Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga private schools ang mahigpit na pagbabantay sa mga pumapasok para agad na maaresto ang mga nagdadala ng mga armas.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, na sa mga pampublikong paaralan ay ipapakalat nila ang mga barangay tanod para magsagawa ng mandatory na pag-check sa mga bag ng mga mag-aaral.
Layon ng nasabing hakbang ay para hindi na maulit pa ang mga nangyaring krimen sa mga loob ng paaralan.
Dagdag pa nito na mayroon silang pinaplano ng Philippine National Police (PNP) ng Quick Reaction Force na siyang agad na tutugon sa nasabing mga usapin.
Muling binigyan halaga ni Remulla ang pagkakaroon ng mahigpit na gun control sa bansa kung saan marapat na pabigatin ang mga parusa sa mga nagpapabaya sa kanilang mga service firearms.
















