Tuluyan ng sinibak ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fire Protection (BFP) Director Jesus Fernandez.
Ito ay matapos na napatunayang guilty sa administrative case na may kinalaman sa cash deliveries na umaabot sa P14.7 milyon noong 2024 at P485 milyon halaga noong 2025 mula sa supplier ng ambulansya.
Una ng nagsampa ang Ombudsman ng kasong graft at bribery laban kay Fernandez ganun din ang pribadong contractor sa Sandiganbayan.
Lumabas sa imbestigasyon na habang naitalagang namuno si Fernandez sa Bids and Awards Committee (BAC) ay nakatanggap umano ito ng P14.752-M mula sa contractor.
Nakakita rin ang Ombudsman ng matibay na ebidensiya sa para ito ay madiin sa kasong two counts of indirect bribery at two counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nagbunsod ang kaso sa inihaing reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos ang isinagawa nilang fact-finding investigation sa binuong Task Force BFP Accountability dahil sa pagbili ng 132 unit ng Type 1 Basic Life Support na mga ambulansiya.
Kasama rin na kinasuhan si Rosaverna Palairon Sangga ang representative ng pinagbilhan ng mga ambulansya.










