Inanunsyo ni Senate Presiding Officer Chiz Escudero ang pormal na iskedyul ng impeachment trial, na magsisimula ngayong Setyembre at magpapatuloy hanggang Oktubre bago pansamantalang suspendihin para bigyang-daan ang mga pagdinig sa panukalang pambansang badyet.
Ayon kay Escudero, gaganapin ang impeachment trial mula Setyembre 8 hanggang 30, mula alas-10:00 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon at pag katapos ay ipagpapatuloy ang legislative sesyon ng senado.
Samantala, magiging whole-day ang mga pagdinig sa mga sumusunod na petsa sa Oktubre: 1,2,5,6,7,8,9,12,13,14, at 15
Pagkatapos nito, sususpindihin ang impeachment trial mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 18 upang bigyang-daan ang mga pagdinig kaugnay ng pambansang badyet.
Inaasahang magpapatuloy ang paglilitis sa susunod na linggo matapos ang naturang suspensyon.
Samantala, hiniling ng panig ng prosekusyon na ipagpaliban muna ang pagdinig sa impeachment trial sa Setyembre 9.
Layunin ng kahilingan na mabigyan ng sapat na oras ang magkabilang panig para sa proseso ng pagmamarka at paghahanda ng mga ebidensya na gagamitin sa paglilitis.
















