Wala pang natatanggap ang Philippine National Police ng paunang pagpaparamdam ng intensyong ng pagsuko mula kay Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Ayon kay PNP spokesperson police Colonel Allen Rae na wala pa umanong kahit anong sneyales ng pagsuko ang senador sa kabila ng isang linggong palugit na ibinigay sa kanya ng mga awtoridad. Ayon pa sa kagawaran na ito na ang pagkakataon na wakasan na ni Bato ang pagtatago at sumuko na lamang ng may digniddad.
Nagtalaga na ng karagdagang tracker teams ang pamunuan upang matunton si Dela Rosa ayon sa Philippine National Police, ngunit mas gugustuhin pa rin ng mga awtoridad na sumuko ng maayos si Bato upang maiwasan ang kahit na anumang gulo.
Matatandaang inanunsyo sa publiko na may pabuyang 50 million pesos ang makakatunton sa kinaroroonan ni Senator Dela Rosa.
Sa huling impormasyon naman ng DILG, si Bato umano ay pinoprotekhan ng armadong grupo sa Mindanao.
Wanted ngayon si Dela Rosa ng International Criminial Court kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kinalaman sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inakusahan ang senador bilang co-perpetrator sa nasabing kaso.















