Ang 25 time Grammy winner na si Jay-Z ang nakatakdang manguna sa halftime show ng Super Bowl LXI sa Sofi Stadium sa Inglewood, California na gaganapin sa Pebrero 14, 2027.
Kinumpirma ng NFL, Apple Music, at Roc Nation ang paglahok ng rap superstar na si Jay-Z, na may 25 Grammy Awards sa kanyang karera.
Ang Super Bowl ay taunang championship game ng National Football League (NFL) at isa sa pinakamalalaking sporting event sa mundo. Bukod sa laban ng dalawang pinakamahusay na koponan sa American football, inaabangan din ng milyun-milyong manonood ang halftime show na tampok ang mga sikat na artista.
Matatandaang si Bad Bunny ang naging headliner ng halftime show sa Super Bowl LX noong Pebrero 8, 2026, na ginanap sa Levi’s Stadium sa Santa Clara, California. Nakiisa rin sa makasaysayang pagtatanghal ang mga special guest na sina Lady Gaga at Ricky Martin.














