-- Advertisements --

Binawi na ng babae na nag-akusa sa rapper na si Jay-Z ang kaniyang alegasyon na siya ay ginahasa nito.

Sa kaniyang isinumiting dokumento sa korte na hindi niya personal na kilala ang rapper na si Jay Z.

Dagdag pa nito na minsan ay hindi sila nagkita ng rapper na si Shaw ‘Jay-Z’ Carter.

Ang nasabing babae ay nagsampa ng kaso noong 2024 na siya ay ginahasa ng rapper noong 13-anyos pa lamang.

Kasama umano ng rapper si Sean “Diddy” Combs sa isang party matapos ang MTV Video Music Awards noong 2000.

Mula pa noon ay mariing itinanggi ng rapper ang nasabing alegasyon.