-- Advertisements --

Nanguna ang veteran pop singer na si Madonna sa may dami ng nominasyon para sa Video Music Awards ng MTV.

Umabot sa 11 nominasyon ang singer para sa seremonya na gaganapin sa susunod na buwan.

Kasama dito ang video of the Year sa kaniyang kantang “Confession II- The Film” at Artist of the Year.

Nahigitan nito ang singer na si Taylor Swift na mayroon lamang siyam na nominasyon.

Kabilang ang video ni Swift na “The Fate of Ophelia” mula sa bago nitong album na “The Life of a Showgirl”.

Ang dalawa ay kapwa nagkamit na ng VMA awardskung saan unang nakuha ni Madonna noong 1986 at sa kabuuan ay mayroon itong 20 VMA trophies.

Habang si Swift ay kaparehas ni Beyonce na mayroong tig-30 na awards.