-- Advertisements --

Nagtala ng record sa kasaysayan ng MTV Video Music Awards si Taylor Swift.

Ito ay matapos na maiuwi nito ang video of the year awards at most succesful artist.

Kapantay na nito si Beyonce na mayroong 30 panalo sa nasabing MTV Video Music Awards.

Sa unang pagkakataon din ay gumawa siya ng music video para sa kantang “Patient Zero” na pinagbibidahan nina Colin Farrel at Dakota Johson.

Pinasalamatan ng 36-anyos na si Swift ang namayapang beteranang singer na si Dolly Parton na naging inspirasyon niya.

Nakamit naman ni Madonna ang may pinakamaraming nominasyon na umabot sa 13.

Nakuha ng orihinal na queen of pop ang artist of the year , best dance at best collaboration kasama si Sabrina Carpenter sa kanta nilang “Bring Your Love” mula sa album nitong Confessions II.