-- Advertisements --
Inilagay sa solitary confinement ang rapper na si Sean “Diddy” Combs matapos ang pakikipaglaban nito sa ibang inmate sa New Jersey federal prison.
Base sa imbestigasyon ay nagkaroon ng alitan ang rapper at isa pang inmate hanggang nauwi sa pagsusuntukan ng dalawa.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang anumang representatives ng Federal Bureau of Prisons.
Kasalukuyang nagsisilbi ng kaniyang 50 buwan na sentensiya ang rapper matapos hatulan dahil sa kasong may kinalaman sa prostitution.
Mula pa noong Setyembre 2024 ay nakakulong na ang rapper at inaasahan na makakalabas na ito sa 2028.















