-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng apat na taon ang rapper na si Sean Diddy Combs.

Sa ginawang pagdinig ay kumbisido si Judge Arun Subramanian na dapat ay makulong si Combs ng apat na taon dahil sa kasong pang-aabuso.

Pinagbabayad din ang rapper ng $500,000 bilang multa.

Matapos ang pagdinig ay tumayo ang rapper ay humingi ng paumanhin sa kaniyang dating kasintahan na si Cassie Ventura.

Nakulong ng mahigit isang taon ang singer kung saan naaresto ito noong Setyembre 2024 matapos ang reklamo ng pang-aabuso sa mga babae.