-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng administrasyon ni US President Donald Trump ang naging desisyon ng korte ukol sa kampanya nitong pag-deport sa mga iligal na immigrants sa US.

Ayon kay Department of Homeland Security chief Kristi Noem at border czar Tom Homan na kanilang iaapila ang desisyon ng federal judge na pinagbabawalan ang administrasyon sa pagkulong sa mga immigrants base lamang sa kanilang racial profiling.

Kasama rin dito ang pagbawal sa mga nakakulong sa karapatan nilang kausapin ang kanilang mga abogado.

Tiniyak naman ni Noem, na sila ay mananalo sa apila kung saan kaniyang binatikos din ang federal judge dahil sa appointee ito ni dating Pangulong Joe Biden.