-- Advertisements --

Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tuluyang pagbasura sa reklamong impeachment na inihain laban sa kanya. 

Noong Miyerkules, tuluyang pinatay ng House Justice Panel ang reklamo matapos matukoy na ito ay insufficient in substance.

Pinuri ng Pangulo ang Kamara de Representantes sa maayos na pagtupad nito sa tungkulin. 

Ayon sa Presidente, hindi siya nababahala sa mga reklamong inihain laban sa kanya dahil wala umanong malinaw at sapat na batayan para siya ay patalsikin sa pwesto. 

Ibinahagi rin niya na personal niyang nabasa ang nilalaman ng reklamo.

Sa kasalukuyan, ayon sa Pangulo, nananatili siyang nakatuon sa pagtatrabaho para sa ikabubuti ng bansa at sa pagpapagaan ng buhay ng mga Pilipino. 

Dagdag pa niya, ang pagbasura sa mga reklamong impeachment ay magbibigay-daan upang makapagpokus ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mahahalagang programa at proyekto para sa bansa.

“ Not really. The house is doing its job. I’m glad of course that the impeachment complaints against me are finished.

And as the statement that we made earlier, I’m happy it’s done and we can get on with our work because these things are distractions from the things we are doing.  Although I wasn’t very worried because I saw the impeachment complaints. There were no real grounds for the impeachment. It was a political complaint,” pahayag ni Pang. Marcos.