-- Advertisements --
Nagtutuloy-tuloy ang ginagawang paghahanap ng National Bureau of Investigation (NBI) sa negosyanteng si Atong Ang.
Ayon kay NBI Director Lito Magno na mayroon silang ugnayan sa malapit na kaanak ni Ang para malaman ang maaaring kinaroroonan niya.
Dagdag na pa nito na immediate family ang kanilang kinakausap dahil nais nilang maresolba agad ang nasabing usapin.
Pinabulaanan din nito na mayroong nagtangka sa kanilang opisina na impluwensiyahan ang kaso para tuluyang makatakas sa kaso si Ang.
Magugunitang ilang lokasyon na ang sinuyod ng mga otoridad para mahanap si Ang subalit bigo pa rin ang mga ito.
Si Ang ay isinasangkot na siyang utak sa pagkawala ng mga sabungero.















