Kinumpirma na Federal Bureau of Investigation (FBI) na kanilang naaresto ang pangunahing suspek sa Benghazi, Libya attack noong 2012.
Ang suspek na si Zubayar Al-Bakoush ay kinasuhan dahil sa pagpatay kay Ambassador Chris Stevens at State Department employee Sean Smith.
Kasama rin ang tangkang pagpatay kay State Department Special Agent Scott Wicklund.
Sinabi naman ni Attorney General Pam Bondi na hindi sila titigil para makamit ang hustisya ng mga nasawing Americans.
Kasama rin na nasawi sa insidente ang dalawang Navy SEALs na sina Glen Doherty at Tyrone Woods sa naganap na atake halos 14 na taon na ang nakakalipas.
Hindi na nagbigay pa si Bondi kung paano naaresto si Al-Bakoush.
Si Bakoush ay miyembro ng Ansar al-Sharia isang Islamic militant group na siyang umako noon sa pag-atake.
Una ng naaresto ng US ang isa sa mga lider ng grupo na si Ahmed abu-Khattalah noong 2014 kung saan ngayon ay nakakulong matapos na hatulan ng 28 taon na pagkakakulong.
Ikalawang naaresto naman si Mustafa al-Imam noong 2017 na nahatulang makulong ng 19 na taon.
Naharap noon sa matinding kritisismo si US President Barack Obama dahil sa hindi nabigyan ng seguridad ang pasilidad ng US sa Libya kaya ito naatake.















