-- Advertisements --

Malungkot na ibinahagi ni dating US president Barack Obama na pumanaw na ang kanilang aso na si Sunny.

Sinabi nito na labis silang nalulungkot dahil sa naging bahagi na ng pamilya nila sa loob ng 13 taon ang nasabing aso.

Mayroong dalawang Portuguese Water Dogs ang Obama family na nanirahan din sa White House.

Naging alaga nila si Sunny sa ikalawang termino ni Obama noong 2013.

Nakasalamuha ng aso ang ilang mga matataas na opisyal noong panahon ni Obama gaya ni Pope Francis.

Ang isa nilang aso na si Bo ay regalo ng dating pangulo noong 2009 sa mga anak nila na sina Sasha at Malia at noong 2021 ay namatay din ang nasabingaso.