Nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina Lebanese President Joseph Aoun at US Secretary of State Marco Rubio ukol sa pagkakakumpiska ng 780 kilo ng mga pasabog na patungo sana sa Israel.
Nasabat ng mga awtoridad sa Lebanon ang isang trak na naglalaman ng mga TNT at C4 explosives habang bumabagtas sa highway patungong Bekaa Valley.
Inamin ng partidong Hezbollah ang pagmamay-ari sa mga naturang kagamitan at hiniling ang pagpapalaya sa kanilang mga tauhan kasabay ng pagbabalik ng mga nasamsam na pasabog.
Pinalagan naman ni Rubio ang hiling na ito at iginiit na hindi dapat ibalik sa Hezbollah ang mga kargamento habang nanawagan ng pormal na pananagutan sa mga nasa likod ng insidente.
Hiningi naman ni Aoun ang tulong ng Estados Unidos upang pilitin ang Israel na patigilin ang mga pag-atake at pagwasak sa timog na bahagi ng Lebanon.














