-- Advertisements --
Ikinagalak ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres ang ginawang pag-uusap ng US at Iran para mabawasan ang nuclear tension.
Pinasalamatan nito ang mga opisyal ng Oman dahil sila ang nag-alok na doon gawin ang nasabing pag-uusap.
Magugunitang nagkaroon ng pag-uusap ang mga kinatawan ng US at Ian kung saan itinuturing ng karamihan na isang magandang panimula ito.
Ilang mga bansa gaya ng Qatar at Turkiye ang nanawagan ng pag-uusap para maiwasan ang anumang paglunsad ng kaguluhan.
Una ng nagbanta si US President Donald Trump na hindi sila magdadalawang isip na atakihin ang Iran kung magmamatigas itong makipag-usap at tigilan ang paggawa ng mga nuclear weapons.
















