-- Advertisements --

Bumwelta si House Prosecutor at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora laban sa tinawag niyang misogynistic bashers na tuma-target sa kaniyang estilo sa loob ng impeachment court.

Ito ay kasunod ng mga pambabatikos ng ilang personalidad sa ginawa niyang direct examination sa sa testigong si Police Major Joericson Sangalang noong Lunes, Setyembre 28.

Ipinahayag ni Zamora na nakalulungkot na marami pa ring Pilipino ang may ganitong kaisipan at nagbibigay ng mga misogynistic na komento, partikular sa mga kababaihang matatalino, mahusay magsalita, at nagsisilbing abogado sa isang impeachment court.

Binigyang-diin ng kinatawan mula sa San juan City na hindi lamang ukol sa usaping legal ang pambabatikos kundi sa maliit na pagtingin pa rin sa kakayahan ng mga kababaihan sa mataas na posisyon ng serbisyo-publiko.