Ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase ngayong Biyernes, Setyembre 5, 2025.
Bunsod ito ng inilabas na yellow rainfall warning ng state weather bureau dahil sa patuloy na pag-ulan.
Layunin ng hakbang na ito ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan.
Caloocan City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Marikina City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pateros – Child development centers, elementarya hanggang senior high school
Malabon City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pasig City – In-person classes mula kindergarten hanggang senior high school, kabilang ang daycare at ALS, pampubliko at pribado
Valenzuela City – Online at in-person classes para sa Kinder hanggang Senior High School, at in-person classes sa kolehiyo, pampubliko at pribado
Parañaque City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Las Piñas City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
San Juan City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado