Personal na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang groundbreaking ng bagong gusali ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Allied Health Services sa Malate, Maynila.
Ayon sa Pangulo, layunin ng proyekto na pataas ng kalidad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan sa bansa sa pamamagitan ng pagsasanay ng susunod na henerasyon ng health professionals.
Itatayo ang limang-palapag na gusali sa kanto ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard at magkakaroon ng modernong silid-aralan, laboratoryo, simulation rooms, pasilidad para sa pananaliksik, at mga tanggapan ng guro.
Pinuri rin ng Pangulo ang paglulunsad ng mga bagong kurso sa agham, kabilang ang Medical Technology at Radiologic Technology, at kinilala ang 16 na topnotchers at nagtapos sa kursong pangkalusugan.










